Napiya nga Calanasan
Napiya nga Calanasan
poprap
INSTRUMENTAL INTRO)
(I)
Ang tawag sa iyo Lupa ng Sagana
Mula bundok, kapatagan
Angking yaman, pinagpala
Ng Diyos nating manlilikha.

(II)
Ang puso ko humihiyaw
Sa sayang nararamdaman
Kapag niyakap ng kalikasan
Kalul'wa ko'y nagpapasalamat...

(CHORUS I)
Oh Calanasan, napakaganda
Kahit saan ipagmalaki ka
Sa lapat mo'ng tunay na biyaya
Ang kalikasan tuloy ang sigla.

(III)
Sama-sama ating alagaan
Biyayang galing sa Kanya
Salinlahing darating pa
May kalikasang magpapasaya.

(CHORUS II)
Oh Calanasan, napakaganda
Sa iyong kandungan di magsasawa
Ipagmamalaki ka kahit saan
Lapat mo'ng tunay, isang biyaya.

(IV)
Ipanalangin ko, tuloy ang pag-unlad
Walang nagugutom kahit isang Isnag
Sa yong kandungan, masayang nananahan
Aming mga Mengal, magsisilbing tunay.

(CHORUS III)
Oh Calanasan, bayang kay ganda
Lapat ipagpunyagi, tunay na biyaya
Sa 'yong dibdib magtatamong pala
Mamahalin kita hanggang huling hininga

(INSTRUMENTAL)
(Repeat Chorus II and III)
(CODA)
Lapat mo'ng tunay, isang biyaya
Sa iyong dibdib magtatamong pala....
Napiya nga Calanasan
Oh, napiya nga Calanasan...

(INSTRUMENTAL OUTRO)