
Napiya nga Calanasan
poprap
INSTRUMENTAL INTRO) (I) Ang tawag sa iyo Lupa ng Sagana Mula bundok, kapatagan Angking yaman, pinagpala Ng Diyos nating manlilikha. (II) Ang puso ko humihiyaw Sa sayang nararamdaman Kapag niyakap ng kalikasan Kalul'wa ko'y nagpapasalamat... (CHORUS I) Oh Calanasan, napakaganda Kahit saan ipagmalaki ka Sa lapat mo'ng tunay na biyaya Ang kalikasan tuloy ang sigla. (III) Sama-sama ating alagaan Biyayang galing sa Kanya Salinlahing darating pa May kalikasang magpapasaya. (CHORUS II) Oh Calanasan, napakaganda Sa iyong kandungan di magsasawa Ipagmamalaki ka kahit saan Lapat mo'ng tunay, isang biyaya. (IV) Ipanalangin ko, tuloy ang pag-unlad Walang nagugutom kahit isang Isnag Sa yong kandungan, masayang nananahan Aming mga Mengal, magsisilbing tunay. (CHORUS III) Oh Calanasan, bayang kay ganda Lapat ipagpunyagi, tunay na biyaya Sa 'yong dibdib magtatamong pala Mamahalin kita hanggang huling hininga (INSTRUMENTAL) (Repeat Chorus II and III) (CODA) Lapat mo'ng tunay, isang biyaya Sa iyong dibdib magtatamong pala.... Napiya nga Calanasan Oh, napiya nga Calanasan... (INSTRUMENTAL OUTRO)