Ikaw Ang handog
Ikaw Ang handog
pianosopranoaltotenorandbass
Bakit kailangan, pinakamamahal ng handog
Bugtong na giliw alay sa puso
Puno ng silakbo, pagtatayang hindi mapipigilan ng kahapon
Sinong ako para paghandugan ang buhay mo poon.
Kahit saan naroon ikaw pa rin ang hanap
Buong akala ko'y di na kita mahagilap
Ako pala'y nahuhumaling sa buhay na hungkag
Iniligtas mo ako sa mga pangakong huwad
O, Hesus ikaw ang handog na hinihintay
Nitong pusong hanap ay landas ng buhay
Oh, Hesus ikaw ang handog na hinihintay 
Nitong pusong uhaw sa pag-ibig na tunay 
Hindi man karapatdapat na ako'y mag handog
Mga sugat ko'y gawing daluyan ng pagkupkup
Sa handog mong si Hesus umasa ako'y nakatubos
Na kapwa ko'y walang ibang pag-asa kundi ang handog
O, Hesus ikaw ang handog na hinihintay 
Nitong pusong hanap ay landas ng buhay
O, Hesus ikaw ang handog na hinihintay
Nitong pusong uhaw sa pag-ibig na tunay 
O, Hesus ikaw ang handog na hinihintay 
Nitong pusong hanap ay landas ng buhay 
O, Hesus ikaw ang handog na hinihintay
Nitong pusong uhaw sa pag-ibig na tunay